What is KoboToolbox

Опубликовано: 15 Май 2021
на канале: Center for Disaster Preparedness
739
6

[TRANSCRIPTION]

Ang KoBoToolbox ay isang libre at open source na toolkit para sa pagkolekta at pamamahala ng data na karaniwang ginagamit na tool sa mga humanitarian emergencies. Kasama sa toolkit na ito ang KoboCollect na isang mobile application na mada-download lamang mula sa Google Play Store. Tama! Ito ay hindi pa available para sa iOS o App Store.

Ang KoboToolbox ay mahusay na tool lalo para sa mga lugar na mahirap puntahan o kaya ay delikado ang sitwasyon kaya naman ginagamit din ito ng mga humanitarian workers o researchers sa mga developing countries, at ng iba pang organisasyong tumutugon sa mga krisis

Ang pinaka malaking kapakinabangan ng KoboCollect ay mapapadali nito ang proseso ng data collection dahil smart phone o tablet na lang ang kailangan para maitala at maorganisa ang mga datos. Hindi na rin kailangan magdala o magprint ng madaming questionnaire para sa survey.

Maaar rini itong magamit kahit walang internet sa lugar na ating pagsusurveyan.

Ngunit kailangan pa rin nito ng ibayong paghahanda at training para magamit ng tama ang gadgets at ang mismong KoboCollect app.

Kailangan rin ng training para sa mga enumerators kung paano i-download ang application at survey form na gagamitin, at ang tamang pamamaraan ng pangongolekta at pagtatala ng datos gamit ang mga tool na kasama sa KoboToolbox.

Sa pagsasagawa ng mga hakbang at preparasyong ito, mas pinapadali ng mga ahensiya, LGUs, at CSOs ang pangongolekta ng datos tungkol sa mga persons with disability, na isa sa mga pangunahing layunin ng IDMS.


Смотрите видео What is KoboToolbox онлайн, длительностью часов минут секунд в хорошем качестве, которое загружено на канал Center for Disaster Preparedness 15 Май 2021. Делитесь ссылкой на видео в социальных сетях, чтобы ваши подписчики и друзья так же посмотрели это видео. Данный видеоклип посмотрели 739 раз и оно понравилось 6 посетителям.