Kailangan dumaan sa pagsasanay, partikular sa paggamit ng IDMS tool at pagbibigay-pansin o sensitization sa mga taong may kapansanan ang mga enumerator.
Sa ganitong paraan, sila ay magiging handa sa pakikisalamuha at pagkokolekta ng datos mula sa mga persons with disability, ang kanilang pamilya, at sa buong komunidad.
Narito ang mga maaaring maging sesyon sa pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kanilang tiwala sa sarili at abilidad sa pagkuha ng makabuluhan at tumpak na mga datos sa kanilang mga komunidad o respondent.
Minumungkahi namin na magkaroon ng sapat na panahon upang talakayin ang mga modyul sa:
1. Disability Sensitization
2. Disability-Inclusive DRRM
Maaari rin kayong mag-disenyo ayon sa kapasidad at pangangailangan ng mga enumerators.
Katulad din ng nabanggit sa IDMS Guidebook, ang training video na ito ay pinakamahusay na ginagamit kasabay ng ang Lahat Handa Training Manual - isang Inclusive Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (ICBDRRM) Training Manual. Lubos na makakatulong ito upang matutunan ang mga batayang konsepto ng DRRM, mga klasipikasyon ng disability, at iba pang mga terminolohiya na ginamit sa mga tanong IDMS tool. Maaari ding i-download at basahin ang Fostering Inclusive Communities: A Guide to Facilitating Disability-Inclusive Community-Based Disaster Risk Reduction and Management -- isang patnubay na dinibelop ng CDP sa pagtuturo ng disability-inclusive DRRM.
Sa karanasan ng CDP, 3-4 na araw na training ay sapat na upang matutunan ng mga enumerators ang kanilang mga kakailanganin para sa paggampan sa kanilang napakahalagang tungkulin. Pinaka-mahalaga din ang papel ng itinalagang lider o supervisor ng mga enumerators dahil siya ang titiyak na ang mga stratehiyang napagkasunduan ng grupo sa Action Planning, kasama na ang schedule, mga kabahayang sakop ng bawat enumerator, at ilan pang logistical arrangements, ay masusunod.
Ang mga nilalaman ng training na nabanggit para sa enumerators ay hindi na bago at maaaring mayroon nang mga eksperto mula sa inyong opisina o inyong lokal na pamahalaan na maaaring makasama sa pagbibigay ng pagsasanay.
Halimbawa, maaaring maimbitahan ang DRRMO sa pagbibigay ng sesyon sa Basic Concepts ng DRRM, o ang Local Health Office sa pagtalakay sa mga disability classifications at mga serbisyong meron ang health office para sa mga persons with disability. Sa ganitong paraan, makakakuha din ang mga enumerators ng mga karagdagang impormasyon na lapat sa konteksto ng komunidad na maaari nilang ipagbigay alam sa mga pamilyang nangangailangan nito sa kanilang pagbabahay-bahay.
Watch video Preparing for Data Collection online, duration hours minute second in high quality that is uploaded to the channel Center for Disaster Preparedness 15 May 2021. Share the link to the video on social media so that your subscribers and friends will also watch this video. This video clip has been viewed 3,121 times and liked it 37 visitors.